ni
Marily Sasota Gayeta
Narinig niya
sa aandap-andap na radyo
Ang
paparating na malakas na bagyo
Sa mataas na
lugar, lahat ay dapat ay umahon
Walang dapat
manatili sa peligrosong nayon .
Ang unos na
padating, wala raw sasantuhin
Kaya’t
paglikas, dapat nang madaliin.
Kaya’t ang babae, nagsimulang maghakot
Ng kanyang
kayamanang kakarampot
Ang maliit
na radyo, ilang pirasong damit at kumot
Baso , pinggan at kalderong pingot.
Malakas na hangin nagdadala ng takot
Ungol nito
ay nakapanghihilakbot .
Maya-maya 'y
dumating ang asawang batugan
At nang walang nakitang pagkain para hapunan
Ang
babaeng naghahakot ang siyang pinagbuntunan
Mukha’y nakabusangot
at yamot na yamot
Magdudulot
na naman sa kabiyak ng bangungot
Ang babae ,
hinila sa buhok , sinampal , sinuntok .
Sa labas ,
ang hangin ,palakas nang palakas
Animo’y halimaw
na umaangil at humaharibas
Ang langit ,
parang higanteng banga
Na
nagkalamat at nabiyak sa gitna
Lumugwak ,
bumagsak ang tubig
na ka-dagat ,
Binabali,tinatangay , nilulunod ang lahat .
Sa loob ng
dampa , tuloy ang kakaibang bagyo
Hagupit ng bisig ,
bigwas ng kamao
Ang
panaghoy ng babae ,nakapapangilabot
Matinding pambubogbog
na kanyang inaabot
Bisig at
kamaong matindi pa sa kalikasan
Paano niya
ito malalampasan .
Nahablot ng
babae ang kalderong laging walang laman
At hinarap
ang kabiyak at malupit na kalaban
Na ngayo’y may
kamaong muling nakataas
Ngunit bago
niya ito muling naiigkas ,
Hinambalos siya ng babae nang buong lakas
Buhay ng lalaki, noon din ay nagwakas.
Nangatog sa
takot, tuyot niyang katawan
Batas ng lipunan , siya’y uusigin
at parurusahan .
Nang biglang
rumagasa , tubig na hindi inaakala
At pinunit
ang ang maliit na kulungang dampa
Ang babae ,
nagkunyapit sa natitirang amba
Habang ang
lalaki’y tinangay ng maitim na baha .
Nakapangingilabot ang panaghoy
at hiyawan
Ng mga taong
natangay sa laot at sa kawalan
Paghingi ng
tulong , siyang ipinagsisigawan
Upang buhay
nila’y sakaling madugtungan.
Patuloy ang
hagupit , ang hampas ng kalikasan
Ngunit para
bang ang Diyos , nagbingi-bingihan .
Kinabukasan
, pag kalma ng kalikasan
Si haring
araw, muling nasilayan .
Kahit saan
mga mata’y tumingin
Mapapausal
ng “ Diyos na mahabagin !”
Puno man o
bahay , lahat nakadapa
Sa matinding
pagkakasalanta .
Ang babae’y nagpunta malapit sa barangay
Kung saan dinala ang mga bangkay
Nilapitan
siya ang ng kapitan at iniabot ang kamay
Kanyang ramdam ang pakikiramay nitong tunay
Ikinalulungkot
ko, usal nito , nasawi ang asawa mo
Nang siya’y
tinangay, maaring nahampas ang ulo.
Tinanggal ng
ginang ang takip na pahayagan
Ang putikang bangkay, kanyang natunghayan
Nakangangang
sugat
sa noo ay tinitigan
Di maiwasang
siya’y matakot at kilabutan.
Malupit na kamao’y
nakaikom pa rin
Para bang
handang siya’y muling buntalin .
Tumulo ang
luha ng babaeng kababalo
Siya lang
ang nakakaalam ng kahulugan nito
Pilit na ikinubli
ang paghinga nang malalim
Siya at ang
unos , may alam na lihim
Krimen
na di maiwasan , tila ba
hinugasan
Nang malupit
at maunawaing inang kalikasan .
Disyembre 2013








