ni Marily Sasota Gayeta
( Babala : Ito'y hindi para sa mahihina ang sikmura ! )
Bertang Kubeta ang tawag sa kanya
Tagalinis ng kubeta sa Avenida . -
Bitbit ang balde , tabo
at eskoba
Mahabang patpat at
gomang pambomba
Chlorox , sabon
na powder at bareta
Sinimulan ang
masayang araw nya
Pinuno ng tubig , dram na kalawangin
At paraiso ‘y sinimulang
linisin.
Sa isang partisyon, tumambad sa kanya ,
Sukang galing sa sikmura ng iba
Kanin , isda , manok , kape
at gatas
Mais , tinapay , kendi at iba pang katas .
Si Berta , gamit ang lumang pahayagan
Malapot na suka , kanyang pinunasan .
Isinunod ang baradong kubeta
Nakasusulasok sa ilong at mata .
Hawa-hawak ang payat na kahoy
Sinundot- sundot ang barang impiyerno
ang amoy
Ihi at tae , tumilamsik sa kanya
Lintik na bara , natunaw din
pagdaka .
May pumasok na tatlong
tao
Ang isa’y dumahak ng
sandamakmak .
Ang isa’y suminga , ibinuga ang berdeng plema
Ang isa’y pilit na
pinigil ang utot
Ngunit sumambulat din angot .
Si Bertang Kubeta, sa
narinig ay tatawa-tawa !
Ala-una na pala!
Tumigil muna itong si Bertang Kubeta
Naghugas ng mga kamay , gamit ang sabong bareta
Tapos ay pasalampak na umupo sa may pinto
At buong sarap na nanilantakan ang munting tanghalian
Na kaning tutong ,
kamatis at tuyo.

No comments:
Post a Comment