ni
Marily Sasota Gayeta
Dahil
hindi ako graduate ng UP, La Salle o Ateneo ,
Ang
sasabihin ko ,
Wala
naman 'yan sa pangalan ng eskwelahan
Kundi
sa kung ano talaga ang natutunan
Dahil
wala sa akin ang kagandahan ni Gretchen Bareto
Sasabihin
kong pinaglalaruan lang nya si Cojuanco
Isa
siyang malanding kerida na di dapat pamarisan
Ng mga kabataan , lalo’t kababaihan .
Dahil
hindi ako matalino tulad ni Miriam Santiago
Sasabihin
kong baliw siya at
Magaling
lang siyang magpatawa
Siya’s
dapat nasa pelikula at hindi sa pulitika
.
Dahil
hindi ako sikat tulad ni Kris Aquino
Sasabihin
kong kawawa siya
dahil malas siya sa
tunay na pagsinta
Aanhin
nya ang katangyagan at pera ?
Dahil
hindi ako mayaman tulad ni Henry Sy
Sasabihin
kong sa diyablo galing ang maraming salapi
Sasabihin
kong biyaya ang kahirapan
At si
Henry ay di makapapasok sa kalangitan
Dahil
wala akong visa papuntang Amerika
Sasabihin
kong mahal ko ang aking bansa
At
dito’y maligayang mamumuhay kahit dukha
Hindi
ipagpapalit sa bansang marangya .
Ngunit
,sandali ! Di ba’t halatang- halata ?
Inggit
ang ugat ng maaanghang kong salita
Lahat
ng meron sila , ako nama’y wala
Nagpupuyos
ang damdamin sa buhay kong salat sa
biyaya .

No comments:
Post a Comment