ni Marily Gayeta
Bugtong.
Ang buhay ay
isang malaking bugtong .
Nasagot ko
ang bugtong !
Nasagot ko
nga ba ?
Sinabi sa
Delphi ,
“ Mapapatay
mo ang iyong ama ! ”
“ Mapapangasawa
mo ang iyong ina! ”
Sa narinig ,
ako’y
nagitla
Sapagkat
ang hula sa Olympus nagmumula.
Ako’y tumalilis
Upang ang propesiya
ay maiwasan .
“ Hindi ‘yan
mangyayari !
Ako ang
gagawa ng aking kapalaran!
At hindi ang
mga diyos sa kalangitan .
Ako’y naglakbay , patungo sa kawalan
At sa mga
nag- krus na daan
Nagkaroon ng
sagupaan
Isang
pulutong ang aking nagapi
Kasama na
ang hambog nilang hari .
Isang
halimaw ang sumunod na hinarap
Kalahating
lion , kalahating ibon
Isang
halimaw na nagtatanong
Winawakasan
ang buhay ng taong di makatugon .
“ Aling
nilalang ang sa umaga’y apat ang paa ,
Sa hapon
naman ay dalawa
At sa
gabi ay
tatlo ? ”
Ako , si Oedipus
, ay nagwika
“ Ano pa nga
ba , kundi ‘tao! ‘ ”
Isang tugon
, isang maikling tugon na nagpalaya
Sa Thebes
mula sa madugong tanikala .
Bugtong ng
halimaw ay aking
nasagot
Ngunit
bugtong ng buhay ko’y mas masalimuot .
Balong reyna
ang Thebes , aking pinakasalan
At
pinamunuan ang kanyang kaharian .
Nagmahalan
ng tapat , nagkasupling ng apat.
Kaligayahan
ay walang pagsulingan.
Malagim na
propesiya , akin nang kinalimutan.
Ngunit , ano
ito ?
Panibagong salot !
Nangamamatay
: taniman , hayop
at sanggol
sa sinapupunan .
Kaharian
ko’y muling natakot
Salot ay
hindi raw mapapawi
Hanggat
walang katarungan
Sa
pagkamatay ng unang hari.
Kanyang
labi’y natagpuan
Sa krus na
daan.
Ang bulag na
si Tereisias
Ako’y
pinararatangan !
Ikaw ,
Haring Oedipus , ang sanhi ng kamalasan !
Bulag na
lapastangan !
Iyan
ba’y iyong mapatutunayan ?
Hinalughog
ang nakaraan .
Binalikan
ang kasaysayan .
Umalingawngaw
ang mga tanong
Ang kalansay
na nakabaon , ngayo’y muling nagbangon.
Unti-unti,
lumantad ang malagim na katotohanan
Ako’y ampon lamang ng mga magulang na aking tinakasan !
Ngunit ang
aking dugo at laman , Thebes ang
pinag-ugatan.
Si Haring
Laius ang aking ama ! At ako ang pumatay sa kanya !
Si
Reyna Jocasta ang aking ina ! At napangasawa ko siya !
At nagka-anak
kami ng apat . Mga kaawa-awang supling !
Anak ? o
Kapatid ?
Kapatid ? o
Anak ?
Ahh !
Tinakasan ko ang hula
Para lamang
lalong mapalapit sa aking tadhana ?
Iniwan ang
bayang kinalakihan
Tinalikuran
ang ama’t inang kinagisnan
Para lamang
mapatay ang ama
at pakasalan
ang inang pinagmulan ?
Bakit
kumaiwas-iwas man ako ,
Hindi
nabago ang itinakdang buhay ko ?
Sa Olympus ba ay may palabunutan
Kung sinong
tao ang bibiyayaan
At kung sino
ang pagkakaitan ?
Paano ba
tinutukoy ng mga diyos
Kung sino
ang magiging maligaya
At kung sino
ang magdurusa ?
Ako si
Oedipus , masdan nyo !
Binulag ko
ang sarili ko !
Sa mula’t
mula nama’y bulag ako
Sa
katotohanan ng buhay ko.
Ako’y
matalino .
Bugtong ng
halimaw ay nasagot ko.
Ngunit sa bugtong ng buhay ko
Nananatiling mangmang ako .
Ako si
Haring Oedipus
‘Yan
ang kasaysayan ng aking
pakikidigma
Laban
sa tao ,halimaw , at tadhana .
Tinalo ko
ang tao.
Tinalo ko
ang halimaw.
Tinalo ako
ng tadhana .

No comments:
Post a Comment